“Do you really need to do this?”, tinanong ko siya habang unti-unting tumutulo ang luha mula sa mata ko. “Of course Mindy. It’s for my future and for our future too. Pano na lang kita bubuhayin at ang mga magiging anak natin kung hindi ko ito gagawin diba?” Napalitan ng saya ang lungkot na nadarama ko. Dahil alam kong ginagawa niya yun para sa akin, sa sarili niya at para na rin sa kinabukasan namin. “Osige na. Pasok na ako sa loob ah? Last call na nung flight eh. Ingat ka lagi ah. Mamimiss kita. I love you, M!” “I love you too K! Ingat ka rin dun ha? Wag mambababae kundi papasalvage kita kay Pangs pramis!” Nakuha ko pang magbiro. Well, para na rin gumaan ang atmosphere bago siya umalis ng PIlipinas. “Oo naman! Takot ko na lang dun sa bestfriend mong feeling tatay! Sige na, papasok na ako. Bye! I love you! *smack*” And with that, he left with our last kiss together as a couple. I am Mindiya Monteiro and this is my story. “Oh Nini, bakit nakatulala ka na naman dyan? Mukha kang praning, infairness.” Siya nga pala ang one-and-only bestfriend ko. Si Pangs Ortega. Dejk lang. Shane Ortega ang real name niya. Well sabi nga nila looks can be deceiving pero sa case niya, name can be deceiving SOMETIMES. Oh well, to make the conversation short, HE’S A GUY. Yeah. A GUY, though his name fits for a girl. “Tigilan mo nga ako Pangs. Wala ka na namang makulit noh? Lumayas ka nga dito sa shop ko! Tingnan mo, walang bumibili kasi nandito ka.” Isa nga pala akong graduate ng Engineering at isa na akong ganap na inhinyero ngayon. Pero may music shop akong itinayo at kasalukuyang partner ko doon ang dakila kong bestfriend. Self-employed ako pero kapag may mga dumating na projects, nagiging engineer ang lola mo. “Panong walang bibili eh tingnan mo nga yang sign dyan sa pinto oh! Tingnan mo. SORRY WE’RE CLOSED. Oh? Whatcha say Nins?” Dinuro-duro pa talaga ako. Ito talagang bugoy na ito oh! Palibhasa walang girlfriend kaya walang pinagkakaabalahan sa buhay maliban na lang sa panggugulo dito sa shop at pangungulit sa akin. “Oo na. Sige na. Ikaw na panalo. Da best ka eh. Lumayas ka na nga rito!” Hindi naman ako naiinis. Naiirita lang talaga ko sa tuwing makikita ko ang pagmumukha nitong dugyot na ito. Biruin mo ha, halos 11 years na kaming magbestfriend! Plus, the fact na 22 na ako ngayon ha? I mean, kalahati ng edad ko yung pinagsama—err yung friendship naming dalawa! Odiba? Paanong hindi ka magsasawa sa mukha niya? “Gahd! Ang taray-taray mo na naman! Nini, payong nagmamalasakit lang ha? Di mo ikagaganda yan, peksman.” “Whatever. Can you please get out of my sight? Nakakairita yang kapangitan mo eh.” Nga pala. He calls me NINI, maliit DAW kasi ako sabi niya. Kahit pa 5’6 ako. Nakakahiya naman kasi sa kanya eh. 6 footer yun. Palibhasa, athlete eh. Tsaka nasa lahi naman nila ang matatangkad. PANGS naman ang tawag ko sa kanya. Bakit? Kasi trip ko lang. Ang sakit na kasi sa tenga yung mga sinasabi ng mga fangirls kuno niya na “ANG GWAPO GWAPO MO TALAGA SHANE!”. Gara diba? Since highschool pa yan. Just imagine kung ilang taon akong nagtitiis at nabibingi sa katagang yan. Pwe! Nakakasuka. -_______- Para maiba naman diba? Wala naman siyang violent reactions nung sinimulan kong tawagin siya ng ganun. Kwits lang kami. Tsaka, pasalamat pa siya may err-- endearment siya sa akin. “Kaya ka ba nagtataray kasi naaalala mo na naman SIYA?” Ibinalik na naman niya yung nasa past. Tss. “Pwede ba. Wag na natin siyang pag-usapan. He’s just a waste of my time and yours too.” “No. Pwede ka namang mag-open sa akin. Bestfriend mo ako diba? If you need a shoulder to cry on, feel free to use mine.” Hindi na. Naka-move on na ako. I guess? “Nah. Thanks, but no thanks. Let’s not just talk about this. I’m telling you, It’s a waste of time. Seriously.”, mariin kong sinabi sa kanya. Ayoko na kasing i-open pa yung nangyari. Tsaka matagal na yun para pag-usapan pa. Well, it’s been 3 years since whatever you call that thing is. "Good Morning! Welcome to Pigafetta Music Store! What can I do for you Sir?" "Ipapaayos ko lang sana yung gitara ko. Oh Mindy! IKAW PALA YAN!" That voice made my body froze. Siya na ba to? Unti-unti kong inangat ang mukha ko. At hindi nga ako nagkamali. SIYA nga ito. Si Kerr, ex boyfriend ko na iniwan ako dito sa Pilipinas at hindi na bumalik pa. -___- "Ahmm Nins, ako na kaya ang mag-eentertain sa kanya? Kaya ko na yun. Sige na, ako na lang.", pabulong na sinabi ni Shane. Napansin niya sigurong hindi na ako makapagsalita dito sa kinalalagyan ko. Pero hindi. Gagawin ko ito. Hindi ako magpapaapekto. Kahit pa parang wala lang sa kanya yung nangyari. "Hindi na Pangs. Ako na, kaya ko na ito! *wink*" "Ako nga ito Kerr. It's been so long since I saw you." I gave him my sweetest smile. "Oo nga eh. 3 years na rin pala." Tingnan mo nga naman itong gagong to oh! Parang wala lang nangyari ah! Kung makaasta siya, pa-cool effect pa! PInagsisisihan ko atlaga kung bakit ko sinagot tong timang na to! He's nothing but a pathetic jerk. I hate him. "Yeah right. So, ano palang sira nitong gitara mo?" I changed the topic. Baka kung saan pa mapunta itong usapan namin eh. "Ah yun nga. Naiwan ko kasi itong gitara sa bahay eh. Mahigpit na yung tuning keys. Hindi ko na maikot eh. Maaayos pa ba ito?" Pinakita niya sakin yung gitarang ipapaayos niya. And nagulat ako nung makita kong YUN YUNG REGALO KO SA KANYA NUNG FIRST ANNIVERSARY NAMIN! Nasa kanya pa pala yun. Oh, well. "Nasa iyo pa pala yan? Akala ko tinapon mo na." Sarkastiko kong sinabi yan. Hindi naman sa pag-aano, pero akala ko talaga tinapon na niya yan. Ako kasi, tinapon ko na lahat ng regalo niya. Hindi kasi ako kasing pathetic niya. "Akala ko nga rin eh. Nakita ko lang ito kanina sa bahay. Sayang naman kung itatapon ko. Bigay mo ito sakin nung anniversary natin diba?" Naiinis na ako sa inaasta niya. Naikuyom ko na ang kamao ko sa galit. "Maaayos pa yan. Konting lagay lang ng oil, luluwag din yan. Akin na, ako na ang mag-aayos." Thank you Shane! Saviour talaga kita! Kung hindi ka dumating baka naupakan ko na itong ex kong gago. "Shane, andyan ka pala." note the sarcasm "Hindi pare. Hologram ko lang to. Tch. Akin na yan at nang maayos ko na yang gitara mo." "Osige. Iwan ko na yan ha? Balik na lang ako bukas. Nice to see you again Shane and MINDY!" At tuluyan na siyang umalis. Buti na lang talaga at mahaba ang pasensya ko sa mga kagaya niya. Kung hindi, baka lasog-lasog na siya ngayon. "Ang gago talaga nun! Parang walang nangyari ah!" Yeah Pangs. Sinabi mo pa. Tsk. "Hayaan mo na siya Pangs. Sira-ulo yun eh." "Tara, shot tayo!" Alam niya talaga kung paano gagaan ang loob ko. "Mabuti pa nga. Tara na!" (SHANE'S POV) At nandito na nga kami sa bahay niya. Marami siyang stock dito eh. Lasinggera kasi yang babaeng yan. Hahaha. Joke lang. "Oh Pangs! TAGAY PA!" Tingnan mo nga naman tong babaeng ito! Akala mo kung sinong malakas uminom! Tanduay Ice lang naman yung tinutungga niya. TAKE NOTE: tungga talaga. "OY TAMA NA YAN! NAKAKATATLONG BOTE KA NA OH!" Kasi naman. Nakakatatlong bote na siya. "HINDI PA NAMAN AKO LASHEENG! ISANG BOTE PA!" Hindi daw lasing. Eh pagewang-gewang na nga siya dito. "HOY. TAMA NA YAN NINI! LASING KA NA! MAY BUKAS PA NAMAN EH!" "HINDI PA KAYA! AKIN NA NGA YAN!" Inagaw ko na kasi yung bote sa kanya. Lasing-lasing na siya eh. "*hik* Bakit ba ganyan *hik* kayong mga lalaki *hik*? *sniff* *sniff*" Iniiyakan na naman niya yung gagong yun. Tsk. Tsk. "*sniff* *sniff* Lahat na naman *hik* ginawa ko ah! *hik* San ba ako *hik* nagkulang? Sige *hik* nga! Sabihin *hik mo!" "Wala. Wala kang pagkukulang Mindy. SIYA. Siya ang nagkulang. Pinakawalan ka pa niya. Pinagsisisihan ko talagang ipinaubaya kita sa kanya. Kung bakit ba kasi hindi mo ako mapansin ha? Hanggang bestfriends na lang ba talaga? Hindi naman kita sasaktan eh. Mamahalin kita higit pa sa pagmamahal nung gaong yun sayo. Hinding-hindi kita iiwan." "ZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZ" Tinulugan na pala ako. Nagmomoment pa man din ako dito. Tss. Hinawakan ko ang mukha niya. Ang ganda-ganda talaga niya. Mahaba yung pilik-mata. ang tangos nung ilong. Ang pula-pula nung mga labi niya. Mukha talaga siyang anghel pag natutulog. "Kung di lang kita mahal eh iniwan na kita dito. Pasalamat ka talaga dahil mahal na mahal kita. *smack*" Hinalikan ko siya sa labi. Alam kong mali pero hindi ko na talaga napitlitan ang sarili ko. Kahit man lang sa ganito, magkamoment din kami. Hindi yung puro ex niya na lang ang umeeksena. (END OF POV) Aray! Ang sakit naman ng ulo ko! Ano bang nangyari? Teka, bakit nakayapos itong panget na ito sakin? "HOY PANGS! GISING NA! ANO BANG GINAGAWA MO DITO SA BAHAY KO?!" "Hmmmmm." Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. Aba! Tingnan mo nga naman, mukhang nag-eenjoy pa siya lagay niya ha. "OY SHANE ORTEGA! MAHIYA KA NAMAN! UMALIS KA NGA DIYAN! ANG INIT-INIT TAPOS NAKAYAKAP KA DYAN! ALIS NA!" "Inaantok pa ako. Dito ka muna." Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakayakap niya sa akin. Ang kapal talaga ng mukha nito. "ISA! SIPAIN KO YANG KAYAMAN MO EH!" Bigla naman siyang napatayo at dire-diretso sa CR. "O-oy! Huwag nga! Hindi tayo magkakanak niyan!" Ayan na naman siya sa pang-aasar niya. Para namang mangyayari yun. Tss. "MAGTIGIL KA NGA! Magdamit ka na ha? Nahiya naman ako sa patpatin mong katawan. Kung topless ka naman kasi, akala mo may abs ka. Wala naman." Topless kasi siya ngayon. Uy, wag green ha? Ganyan talaga yan matulog. Tsaka, I don't have anything to worry about. May tiwala ako sa kanya. Kahit ganyan yan. Marunong siyang rumespeto. and that's what I love about him. "Anong wala? Eh anong tawag dito? *pakita ng abs*" Well, meron naman talaga siyang abs. Anim pa nga eh. Sadyang trip ko lang siyang asarin. "Osige na. Ikaw na may abs! Ipagluto mo na nga lang ako." "ANO? Aba! Masaya ka!" Sus. Aarte pa ito. Gagawin niya rin naman. Hahaha. *"Dali na. Love mo naman ako.*yakap* Sige na, Pangs. *pout*" Ayan. Umeffect ka! Dali. "SIGE NA NGA! Pasalamat ka bfhdgfjhsg." Huh? Ano daw? "Anong sabi mo? Di ko narinig eh!" "Wala. Sabi ko maganda ka nga, ang bingi mo lang. Tsk. Tsk." Nang-asar pa. Sa hindi ko narinig eh. Anong magagawa ko? "TSE! IPAGLUTO MO NA LANG AKO DYAN! AARTE PA EH!" (SHANE'S POV) Andito na kami sa shop. Kakabukas lang namin. Dun na ako nakiligo kina Mindy. Hassle kung uuwi pa eh. May mga damit naman ako dun. Solo lang kasi siya dun kaya minsan nagslesleep-over ako para naman may kasama siya. Wag green. I respect her. "Tapos na ba yang ginagawa mo? Labas tayo after niyan?" Kung sineswerte ka nga naman oh! Siya na ang nag-aaya ngayon! Heavy, pare! Naks. "Oo. Saglit lang." Tinapos ko na nga yung pag-aayos nung gitara ng gago niyang ex. And speaking of ex, andiyan na siya. And wait? May kasama siyang babae. Si Jenny yun ah! Yung friend nila nung college! Wait ulit ha? SIYA YUNG IPINALIT NIYA KAY MINDY? "Yow Shane! Tapos na ba yung pinapaayos ko?" Ang kapal talaga ng apog nitong lalaking ito. "Oo. Sandali. Kukunin ko lang." Kinuha ko na yung gitara niya doon sa loob at kitang-kita ko na hindi maganda ang lagay ni Mindy ngayon. "Ako na ang magbibigay. *smile*" This sounds trouble. Sinundan ko na siya at pumunta sa kanila. "Here's your guitar Kerr. Maayos na yan at siguradong maganda na ang tunog niyan." Ramdam ko ang galit sa pananalita ni Mindy. "Wow! Ang ganda nito ah! Magkano nga pala ang charge?" "Sus. Wag na uy. Libre na. Para namang wala tayong pinagsamahan ah. Sige na. Alis na kami ni Pangs. May date pa kami eh." "Wait. Kayo na ni Shane?" "Oo Jenny. After Kerr and I broke up, naging kami na. So, will you please excuse us? We're already late sa date namin." Halatang pinipigilan niya ang galit niya. Hawak-hawak niya ang kamay ko. At hinigit niya ako habang tumatakbo. Nakarating kami sa soccer field ng school namin nung college. Yeah, we're on the same university. Kaso, magkaiba kami ng course. She took Civil Engineering habang ako naman eh Architecture. Tumigil siya sa gitna ng field. Umiiyak na naman. "Alam mo Pangs. Ang ironic noh? Kung sino pa yung mga taong pinagkakatiwalaan mo, yun pa ang magtatraydor sayo. Bakit kaya ganun?" Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko lang siyang ilabas ang galit niya. "Ang tanga-tanga ko noh? Sa loob ng tatlong taon, hinintay ko pa rin siya. Kahit na alam kong malabo na. Pero wala eh, mahal na mahal ko pa rin siya. Kinakaya ko lang pala na kalimutan siya. Pero sa loob-loob ko, hindi pa rin pala talaga. Ang pathetic ko ba?" Sabi na eh. Mahal pa niya si Kerr. "Pero alam mo ba kung ano yung kinagalit ko? Yung ginawa niya. Diba hindi na lang siya nagparamdam nun? Wala kahit isang communication. Tapos ngayon, kasama niya na si Jenny na kaibigan ko pa ha! Hindi man lang nahiya na iharap yung mukha nila sakin. Ang kakapal noh? MGA AHAS!" Sige lang, Mindy. Ilabas mo lang. "BINIGAY KO NAMAN LAHAT AH! Hindi naman ako nagkulang. Pero bakit nagawa pa rin niya sakin ito? Wala ba akong karapatang sumaya?" That's it. Hindi ko na kaya to. "TAPOS KA NA BA HA? TAPOS KA NA?" I guess, it's already time na umamin na ako. Unconsciously, she nod her head. Nagulat siguro sa pagsigaw ko. "AYAN! AKO NA MUNA ANG MAGSASALITA! ALAM MO MINDY, WALA KA NANG GINAWA KUNDI UMIYAK NG UMIYAK! HINDI KA BA NAAWA SA SARILI MO?! BAKIT BA PALAGI NALANG SIYA ANG NASA ISIP MO?" "EH KASI NGA MAHAL KO PA RIN SIYA!" "O SIGE! GIVEN NA MAHAL MO PA RIN SIYA! Pero ang tanong, mahal ka pa ba niya?" Natahimik siya sa sinabi ko. "ANO BA MINDY! HINDI KA NA MAHAL NUNG TAO! KITA MO NAMAN KANINA DIBA? MAY MAHAL NA SIYANG IBA KAYA PWEDE BANG MAG-MOVE ON KA NA?" "Sige lang. Madali lang naman kasing sabihin yan sayo kasi hindi mo alam kung anong nararamdaman ko ngayon." (END OF POV) "ALIN BA? YUNG PAKIRAMDAM MO, WALA KA NG KARAPATANG LUMIGAYA? DAHIL YUNG TAONG MAHAL MO, MAY MAHAL NG IBA? YUNG TIPONG KAHIT ANONG PAGPAPAPANSIN AT PAGPAPAHIWATIG, HINDI KA PA RIN NIYA MAPANSIN KAHIT SAGLIT LANG? YUNG NAGPAUBAYA KA PARA LANG MAKITA MONG SUMAYA SIYA? ALIN ANG HINDI KO ALAM HA MINDY? SABIHIN MO NGA!" Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. Ano bang nangyayari sa kanya? May nagawa ba ako? "Shane, ano bang nangyayari sayo? Bakit ba all of a sudden, sinasabi mo yang mga katagang yan sa harap ko?" "EH ISA KA NAMAN PALANG MANHID EH! HINDI MO BA ALAM NA MATAGAL NA AKONG NAHIHIRAPAN DITO?" Manhid? Bakit? Ano ba talagang nagawa ko? "Chill lang. Ano nga ba kasing ginawa ko sayo?" "AT SA AKIN MO PA TALAGA YAN TINANONG HA? O SIGE NA. DIDIDRETSUHIN NA KITA. *hingang-malalim* MAHAL KITA MINDY! MATAGAL NA!" O_______O What was that? Did he just confessed his feelings for me? "ANO? MAHAL MO AKO? YOU'VE GOT TO BE KIDDING ME!" Kasi naman. Hindi na ako natutuwa sa biro niya. "SA TINGIN MO, NAGBIBIRO AKO? HAHA! HINDI KA LANG NAMAN PALA MANHID EH. TANGA KA PA." Aba't! Tinanga pa ako. "HOY LALAKE! Hindi ko alam kung anong nahithit mo at ganyan ka umasta. Pero pwede ba umalis na tayo dito?" "HINDI PWEDE! Look Mindy. Yung sinabi ko kanina, totoo yun. Mahal talaga kita." Sincere na yung mata niya ngayon. Wala ng bahid ng galit. Pero, WHOOAAAAHHHH. Totoo talaga yun? "Haayy. It took me 8 years para maamin ito sayo. Alam kong napakacomplicated nung sitwasyon pero hindi ko na talaga kaya." Hindi na ako makapagsalita. 8 years? I mean, SERIOUSLY?! "Alam mo bang nung niligawan ka ni Kerr nung 3rd year highschool tayo? Sobrang panlulumo ang naramdam ko non. Kasi naman, naunahan ako. Pero sabi ko sa sarili ko. Ayos lang yan. Manliligaw lang yan. Kaya hinayaan ko lang siyang mapalapit sayo. Then, yun nga. Dumating yung pagkakataon na hindi ko inaasahan. September 3 nun. I was about to confess my feelings for you pero narinig kong sinagot mo na siya. Iyak ako ng iyak nun. Hanggang sa pagsakay ng jeep, iyak pa rin ako ng iyak. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao. Nasaktan ako eh." Mygahd! Totoo ba talaga yun? "Kaya naman nung sinabi mo sa akin na hindi na siya nagpaparamdam sayo buhat nung umalis siya, nagkaroon na naman ako ng hope na umamin sayo. Pero as your bestfriend, cinomfort na lang kita dahil alam kong yun ang kailangan mo noon. Sabi ko sa sarili ko, may ibang pagkakataon pa naman para sabihin ko yun sayo. Sa ngayon, aalagaan muna kita hanggang makamove-on ka sa kanya." O________O Hindi na talaga ako makapaniwala sa mga sinasabi niya ngayon. "Pero ngayon, bumalik na naman siya. At halata naman sayo na mahal mo pa rin siya. Pero diba, nagiging unfair ka sa sarili mo? Pinapahirap mo ang sarili mo para lang sa walang kwentang tao na hindi ka na naman mahal? Kaya I've decided na sabihin na ito sayo kahit pa alam kong mabibigla ka." Oo naman! Nabigla mo ako! Grabe to! HOOOOO! "Alam ko namang hndi mo ako gusto eh. Mahal mo nga ako, pero as your bestfrined lang. Tanggap ko naman yun eh. Ang gusto ko lang naman kasi eh malaman mo yung nararamdaman ko kahit na wag mo nang ibalik yun. Masaya na ako na alam mong mahal kita bilang ikaw at hindi bilang bestfriend kita." Dahan-dahan na siyang umalis. Ngayon ko lang narealize na tama siya. Bakit ko nga ba ipipilit yung gusto ko eh sa hindi na nga ako mahal nung tao eh! "HOY SHANE ORTEGA! Saan ka pupunta?" "Ahh. Aalis na? *kamot sa batok*" Nakakatuwa talagang pagmasadan yung mukha kapag nadidisappoint. Mukhang 3 years old na batang kinuhanan ng candy eh. Nyahaha. "Not so fast Pangs. Sinigaw-sigawan mo ako dito. Tapos, iiwan mo lang ako. Aba! Nakakaloko ka na ah!" "Bakit? May gagawin pa ba tayo dito?" "Sa tingin mo palalampasain ko yung ginawa mo? NAG-CONFESS KA SAKIN TAPOS GANUN-GANUN NA LANG YUN? YUN NA YUN?" I am enjoying this! Makikita mo Shane! Hahaha. "*gulp* Bakit? May kulang pa ba?" "EH SIRA-ULO KA PALA EH! SINABI MONG MAHAL MO AKO TAPOS IIWAN MO AKO RITO! HELLO PANGS? NAHIHIBANG KA NA BA?" "Eh wala rin naman akong mapapala kung sasamahan pa kita dyan. Uuwi na lang ako. TT3TT" "EH LOKO KA PALA EH! BAKIT KA UUWI EH MAHAL DIN NAMAN KITA! Ayan na. Nasabi ko na." Napabalikwas naman siya sa sinabi ko. Nagulat siguro. "Huh? Ma-mahal mo rin ako?" "HINDI. Kasasabi lang eh." Nakakatuwa yung hitsura niya! ^___^ "Ha? Eh akala ko ba mahal mo pa si Kerr? Pano na siya?" "Yun? Hayaan mo na lang siya. May iba na yun eh. Tsaka mahal mo naman ako diba? Lam ko namang hindi mo ako iiwan eh. *yakap*" Biglang nag-glow yung mukha niya at hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Oo naman! Hinding-hindi kita iiwan. Mahal na mahal kaya kita!" "Alam mo ba dati? Inis na inis ako sayo? Kasi naman para kang tatay na nawawalan ng anak. Daig mo pa Daddy ko eh. Lagi mo akong inuutusan, inaasar, kinikiliti, niwrewrestling, pinipingot, inaaway, sinisigawan. I really hate you, you know." "Hah? Akala ko ba mahal mo ako?" "Yes, I hate you back then. But I guess, right now, it's THE OTHER WAY AROUND. *smack*" END . . . . . . . . . . .