Nakaencounter na siguro kayo ng ganyan diba? Yung teacher na ubod ng sungit. Ayos lang sana kung teacher ko lang siya. Eh hindi eh. ASAWA ko siya. Odiba ang gara? "Hoy Lerika! Bumangon ka nga dyan! Malelate na naman ako nang dahil sa'yo eh. Bilisan mo nga." "Opo, SIR JANUEL.", ineemphasize ko talaga yung SIR JANUEL. Ayaw niya kasing tinatawag siya ng sir kapag nasa bahay kami. "BILISAN MO NGA DIYAN! Mas mabagal ka pa sa pagong eh!" Kung makapag-utos eh WAGAS! Yan ang asawa ko. Uulitin ko A-SA-WA KO. Teacher ko siya sa Social Studies. 2 years na kaming kasal. 14 ako noon habang 18 naman siya. Pero kahit minsan, hindi ko naramdamang asawa ko yang lalaking yan. Ako, si Lerika Breseis Avila-Calapine at ito ang buhay ko. "Oh akala ko ba malelate na tayo?" Tiningnan ko siya kasi hindi siya nakapang-pasok. "*tumatawa* Oo nga malelate na tayo." Ano ba naman itong lalaking ito, tatawa-tawa lang. Hindi kaya baliw ito? Ano ba yan? Asawa ko baliw! "Bakit ka tumatawa diyan?" "Wala kasi tayong pasok ngayon. Haha. Itsura mo oh. Sabado kaya ngayon." *BOOM* Pahiya naman ako dun. "Eh bakit kasi nanggigising ka pa ng pagkaaga-aga eh wala naman palang pasok?" "Wala lang. Bawal bang gisingin ang asawa ko?" Kinilig naman ako dun. Asawa daw eh. Hihi. "Ewan ko sa'yo. Tutulog na lang ulit ako. Istorbo ka." Babalik na sana ako ng kwarto ko nang bigla niyang hinigit yung kamay ko na siya namang ikinagulat ko. "Hindi pwede. Tuturuan kitang magluto ngayon." Dahil napikon na ako sa kanya, sumunod na lang ako. Sawang-sawa na ako sa sermon niya eh. "Ikaw bahala." "Sige, sundin mo na lang itong nasa cooking book. *binigay yung cooking book*." "Sure. Pero pwede bang bitawan mo muna yung kamay ko para magawa ko na yung inuutos mo?" Nakahawak pa kasi siya sa kamay ko. Kinikilig nga ako eh. Pero syempre, dapat hindi ko ipahalata. "Ay sorry. Sige, maiwan na kita." Tingnan mo ito, tuturuan daw niya ako tapos mang-iiwan naman. Tsk. Tsk. Kelan kaya siya magbabago? Pagkatapos nang cooking session na hindi naman niya ako tinuruan, hindi na ulit kami nagpapansinan. Ewan ko ba dyan. Sawang-sawa na akong umasang magiging sweet siya sa akin. Kung pwede nga lang makipag-divorce eh. Kaso, hindi ko kaya. Napamahal na rin kasi sa akin yang si Januel at ang pamilya niya. Kaya, pagtitiisan ko na lang ito. "Ms. Avila, are you listening?" Oo nga pala. Nagkaklase nga pala ngayon. At ang masaklap pa, siya ang teacher namin ngayon. Kakawalang-gana tuloy mag-aral. "Yes Sir Calapine." "If you are really listening, anong topic ang nilelecture ko ngayon?" Tamo ito, lagi na lang akong special mention. Kakainis na. "Philippine Civilization Sir." "Okay. Good. Sa susunod kasi, wag ka nang tulala sa klase ko." Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Pahiya na naman ako. "Yes Sir." Halos araw-araw ganyan kami. Lagi niya akong sinusungitan. Puro sermon ako. Lalo na nang dumating si Seb sa buhay ko. Manliligaw ko kasi yan since 3rd year. Isang taon na niya akong nililigawan. Hindi ko naman siya pwedeng sagutin dahil nga may asawa na ako. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya yun. Lalong magagalit si Januel sa akin pag nangyari yun. "Lerika, pwede ba kitang yayain magdinner mamaya?" "Ah-eh. Sure. Sige." "Yes! I'll pick you up after class ha?" "Sige. See you then." At ayun nga. Nakipagdinner ako kay Seb. Typical dinner lang naman. Tinanong niya kung kelan ko siya sasagutin. Kaso nga, hindi pwede. Sinabi ko na rin sa kanya yung dahilan kung bakit di pwede. Nung una, hindi siya naniwala. Pero, inexplain ko sa kanya lahat ng nangyari. Laking pasasalamat ko nung naiwala siya at sinabing makakaasa daw akong hindi niya yun sasabihin sa iba. Halos araw-araw kong kasama si Seb. Dahil nga hindi pwedeng maging kami, nag-offer siya na kung pwede daw ay kahit bestfriends man lang daw para makasama pa rin niya ako. Sabi ko naman, OO. KAsi syempre, ang bait kaya niya tapos palagi niya pa akong napapatawa. Nakakalimutan ko kasi yung mga prolema ko kapag kasama ko siya. Dahil nga mas madalas kong kasama si Seb, mas lalo nang naging masungit si Januel. Papansinin niya lang ako pag magsusungit siya. Syempre, sanay na ako kaya ayos lang. Hanggang sa dumating ang isang araw. Kagagaling lang namin sa practice at nagyaya si Seb na magdinner daw kami. Sumama naman ako. Napasarap ang kuwentuhan namin kaya magaalas-dose na ako nakauwi sa bahay. "Sige Seb, salamat ha? Bye." "Wait lang Lerika." "Bakit?" *tsup* Hinalikan ako ni Seb sa pisngi. Ayos lang sana dahil sanay na ako. Kaya lang, ang masama eh, nakita pala yun ni Januel. At kitang-kita ko sa mga mata niya na galit na galit siya sa akin. "WOW Lerika! Kababae mong tao, alas-dose ka na umuwi? May pahalik-halik ka pang nalalaman!" "Kasama ko naman si Seb ah. At tsaka ANO BANG PAKIALAM MO?!" Hindi ko sinasadya na lumabas yun sa bibig ko. Wala e. Punong-puno na ako. OO kahit mag-asawa kami, lahat na lang pinakialaman niya. Hindi ba pwedeng magdesisyon ako ng ako lang? "MAY PAKIALAM AKO LERIKA! ASAWA KITA. Baka nakakalimutan mong, ASAWA KITA!" "Eh ang lakas naman ng loob mong sabihing asawa mo ako! Samantalang, kahit minsan, hindi mo naiparamdam sa akin na asawa kita. God, Januel! 2 taon na kitang pinagtitiisan. AYOKO NA!" "Alam mo ba kung bakit hindi ako kumikilos na isang asawa sayo? Dahil nirerespeto kita! Alam kong bata ka pa kaya dumidistansya ako." "Distansya? Gusto mo ng distansya? Eh kung maghiwalay na lang kaya tayo?! Tu---" Hindi ka na naituloy yung sasabihin ko dahil . . . . . . . . HINALIKAN NIYA AKO. Hinalikan ako ng Teacher slash Asawa kong MASUNGIT. "Yan ang wag na wag mong gagawin. Dahil pag ginawa mo yan, ikamamatay ko." "Bitawan mo nga ako Januel. Hindi ako makahinga." Mahigpit kasi siyang nakayakap sa akin. Naiilang nga ako kasi hindi ako sanay na naglalambing siya. "Eh kung sabihin kong ayoko?" "SIR JANUEL naman eh!" "Isa pang Sir mo, hahalikan ulit kita!" Natahimik naman ako sa sinabi niya. Dyusskkooo! Ayoko na. "Oo na. Januel, bitiwan mo na nga ako. Please." "Makinig ka muna sa akin." "Wala akong pakialam sa sasabihin mo." "Isa pang sabat mo, hahalikan na talaga. Yung torrid! Seryoso ako kaya wag ka munang sumabat. Makinig ka na lang." Nagulat naman ako dun. Hala! Torrid daw? Haynaku. No choice kundi makinig. "O yan. Itutuloy ko na. Sorry kung di ko maparamdam sayo yung mga ginagawa ng mga typical na mag-asawa. Dumidistansya ako sayo. Bata ka pa. 4 years ang agwat natin at nirerespeto kita. Kahit pa gustong-gusto kong gawin sayo yun. *grin*" "Anong sabi mo? Anong gagawin?" "Wala. Haha. Pero kahit hindi ko maparamdam sayo yung mga yun. Lagi mong tatandaan na MAHAL NA MAHAL KITA." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Mahal niya daw ako eh. Hihi. Kenekeleg talaga ang lola niyo! "MAHAL MO AKO?" "OO NAMAN. Papayag ba akong pakasal sayo kung hindi kita mahal? Isip-isip Lerika." "Eh kasi, kung makapagsungit ka kasi sakin." "Ginagawa ko lang yun para maalagaan ka ng maayos. Ayokong napapahamak ka. Gusto ko lagi kitang pinoprotektahan." Lalong lumaki ang ngiti ko sa sinabi niya. "Kaso, may Seb ka na. Paano na ako niyan? May pahalik-halik pa. Tss." Ayiee! Nagselos siya nun? Ibig sabihin, mahal talaga niya ako? Hihi. "Oy bestfriend ko lang yun. Walang malisya." "Asus. Ni hindi nga kita mahalikan, ngayon lang. Tapos siya, palagi. Ang daya kaya!" Pulang-pula na ako ngayon. Pano ba naman? Ngayon ko lang nalaman na may ganitong side pala si Sir Januel este asawa ko pala. "Edi selos ka na?" "Syempre naman. Sino ba namang hindi magagalit kung makita ang asawa niyang may kahalikang iba." "Huy sa cheeks lang yun." "Kahit na, ako nga, ngayon lang. Tsk. Tsk." Nag-walkout ang lolo mo. Naku, nagseselos ang loko. Tuwang-tuwa naman ako. Hahaha. "Huy wag ka nang magselos. Ito naman oh." Hinahabol ko siya. "Uy Januel, wag ka na kasing magalit. Bestfriend ko lang naman yun." No response pa rin. "JANUEL ACHILLES CALAPINE! WAG KA NANG MAGALIT KASI IKAW NAMAN ANG MAHAL KO!" Niyakap ko pa siya. Hihihi. Nagiging manyak na tuloy ako. "Anong sabi mo?" "Sabi ko MAHAL KITA." "Ano? Hindi ko marinig eh." "Ang arte mo alam mo yun? SABI KO, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA!" "Yan! Nasabi mo rin! Hahaha. MAHAL NA MAHAL RIN KITA LERIKA BRESEIS AVILA-CALAPINE! MAHAL NA MAHAL KO ANG ASAWA KO!" "Oo na. Naniniwala na ako. Ang arte mo, di bagay sayo." "Ahhmm, Lerika, since bati na tayo. Pwede na ba nating gawin yung ginagawa ng mga mag-asawa? Yung alam mo na." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kasi naman bata pa ako. 16 pa lang. ATAT LANG? Binato ko nga ng unan. "Anong sabi mo? Ang bastos mo talaga!" "Anong bastos dun? Eh, ginagawa naman talaga yun." Naging seryoso yung mukha niya. "E kasi naman, bata pa ako. Hindi pa ako ready sa mga ganyan." "Sige na nga. Naiintindihan ko naman. Makakapaghintay naman ako at ang alaga ko." "HOY JANUEL! TUMIGIL KA NGA! KUNG ANU-ANO YANG PINAGSASABI DYAN EH!" At naghabulan kami sa sala. Ngayon, masaya na ako. Kahit pa palagi kaming nag-aaway nitong lalaking ito, madalas na niya akong lambingin. Kahit na nung una, nagaalangan ako kung may space ba talaga ako sa puso niya eh alam ko na ang sagot ngayon. MAHAL PALA AKO NI TEACHER SUNGIT. END . . . . . . . . . . . . . . .