"Dyuskoo gal ano ba naman yan?! Hanggang ngayon ba naman pinagpapantasyahan mo pa rin yang si Eldriss my labs mo?" "Huy wag ka ngang maingay dyan! Baka marinig nila tayo!" "Mukha na tayong stalker sa ginagawa natin eh!" "Ang ganda ko namang stalker." "Che. -_______-" Isang lalaking ubod ng gwapo at kakisigan ang lumabas ng silid. "Gal, andyan na siya! Lumabas na si Eldriss!" "May mata ako Yeni. Kung hindi ka naman tanga, pwede naman tayong pumasok sa loob diba?" "Eeeeeehhhhh. Ayoko nga! Baka makita niya pa tayo!" "Like hello girl? Eh ano naman kung makita niya tayo?" "Baka kasi malaman niya na crush ko siya. *blushes*" "Nako naman Yeni! Paano niya malalaman na crush mo siya eh tayong dalawa lang naman ang may alam nun?! Tsaka hindi na yun crush, obssession na yun!" "Ikaw naman Renee. Minsan nga lang ako mag-feeling ng ganito eh. Pagbigyan mo na ako. Please. ^3^" "Hay, bahala ka na nga. Basta, after mong mag-stalk diyan sa labs mo eh, uwi na tayo ha? Hinahanap na ako ni Mommy eh. Baka hinahanap ka na rin ni Tita Lerika. Lagot ka dun pati kay Tito Januel." "Oo na. Oo na. Sandali lang, may kausap pa siya eh." "Uhmm, Miss anong ginagawa niyo diyan?" Nagulat ako nang biglang may nagsalita. Sino naman kaya ito? Infairness, nakakaistorbo siya sa pagtanaw ko kay Babe E ha? Tsk. -___________- "Miss, anong ginagawa niyo diyan?" Inangat ko ang aking mukha at nabigla nang makita ang napakagwapong mukha ni Eldriss. Ohmygod! Siya ba talaga ito or naghahallucinate lang ako? "Hello? Miss, anong ginagawa niyo dito?" Kilala ko iyang boses na yan! Ibig sabihin . . . . . . . SIYA NGA ITONG NASA HARAPAN KO! Shocks! Anong sasabihin ko? Na sinusundan at pinapanood namin siya kanina pa hanggang sa matapos yung gig nila? Naku! Pano ba ito? "Ah-eh . .. . . Ano . . . . . . yung ano . . . . . . . yung boyfriend nung kasama ko sinusundan namin. Baka kasi nambabae na eh. Yun. Oo. Yun nga yun." Gahd. Wala na akong maisip na dahilan. Paniguradong lagot ako kay Renee nito! >______< "Ah. Ganun ba? Bakit hindi kayo pumasok sa loob? Malamig pa naman dito sa labas." Ang bait talaga ni Babe E ko! Concern siya sakin! Ayiiieeeee! (^///////^) "Ah-eh. Wa-waag na. Baka kasi ano . . . . . . Baka makita kami. Alam mo naman diba? Tatanggi lang yun pag nahuli namin siya. Ganun. Oo. Ganun nga." "Ganun ba? Sige, maiwan ko na kayo dito ha? May isa pa kaming gig sa El Doulos eh. Ako nga pala si Eldriss. Eldriss Babista." Naku Eldriss. Kung alam mo lang na alam na alam ko ang buong pangalan mo. Eldriss Arsenio Babista. <3 "Ako naman si Lienne. Lienne Avila. Sige, baka malate ka na sa pupuntahan mo." "Sige. Nice meeting you ha? *handshake* Bye!" Ohmygulay! Hinawakan niya yung kamay ko! OMONA. Totoo ba yun? "Hoy gaga, wala na yung Babe mo. Baka gusto mo nang huminga." "Hinawakan niya ang kamay ko. NAKIPAG-KAMAY SIYA SAKIN! OHMYGOD!" "Alam ko. Nakita nga ng dalawang mata ko oh. Teka nga, kelan pa ako nagkaboyfriend? HA?" "Uy, sorry na. Wala na kasi akong maisip na dahilan eh. Sorry na Reene. Mahal mo naman ako eh." "Kadiri ka ha? Oo na. Basta wag mo na ulit idadahilan yun ha?" "YAAAY! Thank you bestfriend!" Hello. Ako nga pala si Yeni. Lienne Karajine Avila. 16 years old na ako pero mukhang 13 pa lang. Baby face kasi ako eh. Hehe. So yun, si Eldriss, 4 years ko nang crush yan. Since first year pa. Pero, hanggang ngayon, hindi niya pa rin alam na may gusto ako sa kanya. Kasi naman, hindi ako maka-confess kasi sino ba naman ako? Isang hamak na ordinaryong estudyante sa campus namin. Di naman ako kagandahan, tama lang. Maputi ako, hindi rin katangkaran. Nagsusuot din ako ng salamin. Sino ba naman ako diba? Wala pa ako sa kalingkingan ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Syempre, si Eldriss yun eh. Pag sinabi mo kasing Eldriss, complete package na. Gwapo, mabait, matalino, gentleman isama mo pa yung kaastigan niya sa pagtugtog ng gitara. Lead guitarist kasi siya nung sikat na banda sa campus namin, yung The Lees. Kaya imposibleng mapansin niya ako diba? Isang napakalaking IMPOSIBLE. -___________- February 12, 20** Naglalakad ako sa hallway ng campus. Papunta kasi ako sa locker ko, kukuin ko yung book ko sa Physics. Pagbukas ko ng locker ko, may nalalaglag na envelope. Isang pulang envelope na puro heart na stickers. Take note: GLOW IN THE DARK pa. Tiningnan ko kung ano ang laman. Isang sulat. ------------------------------------------------------------------ Dear Yeni, Akala mo ba hindi ko alam? Akala mo ba hindi ko pansin na palagi mo akong tinitingnan? Akala mo ba hindi ko nahahalatang may gusto ka sakin? Sincerely yours, BAE. <3 ---------------------------------------------------------------------- Nashock ako sa laman nung sulat. I mean, ALAM NIYANG MAY GUSTO AKO SA KANYA? Sino naman kayang sira-ulo ang magsusulat nito? Eh iisa lang naman ang gusto ko. Hindi kaya si Eldriss ito? Pero imposible, wala namang ibang nakakaalam na may gusto ako sa kanya. Dalawa lang kami ni Renee. Ay ano ba yan? Nag-aassume na naman ako. *boogssshh* "So-sorry Miss." Ano ba naman yan! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh! Tsk. "Ayos lang. Sa susunod kasi tumi----" Oh Good Lord! Si Eldriss yung bumangga sa akin? Hindi nga? "Ikaw pala yan Lienne. Sorry ha? Nagtetext kasi ako habang naglalakd eh. Pasensya ka na. *hawak sa kamay at itinayo*" "Ayos lang yun. Ano ka ba? Hehe. Sige na. Salamat! *blushes*" "Sige. Sorry ulit ha?" At pagkasabi niya nun, patakbo na siyang umalis. Sino kaya yung katext niya kanina? Girlfriend niya kaya yun? Pero, balita ko single daw siya eh. Thankyou nalang dun sa katext niya. Kundi dahil dun, hindi niya ako mabubunggo at hindi niya lit mahahawakan yung kamay ko! DALAWANG BESES NA YUN! Eeeehhhh! *U* February 13, 20** Nakatanggap na naman ako ng sulat. -______- Nakalagay naman sa lunch box ko. Laki ko na noh pero nag-lalunch box parin? Masarap kasing magluto si Daddy Januel kaya hinding-hindi ko ipagpapalit yung luto niya sa kahit anong luto. Well, except na lang kung si Babe E ang nagluto! Landi ko. XD So yan na nga, titingnan ko na yung letter. Ayan na, nabuksan ko na. ------------------------------------------------------------------ Dear Yeni, Akala mo ba hindi kita kilala? Akala mo ba lokohan lang ito? Pwes, nagkakamali ka. Dahil alam ko lahat. Marami akong nalalaman kahit hindi mo napapansin na inoobserbahan kita. Alam kong matagal ka ng may gusto sa akin. :) Sincerely yours, BAE <3 ------------------------------------------------------------------------ Ano na naman ito? Nakakainis na ito ha? Kung sino mang gago ang may gawa nito humanda siya sakin! Hindi naman porket walang nagkakagusto sa akin eh gaganituhin na niya ako! Like hello, nakakaasar na siya! Gahd! *untog ang sarili sa pader* "Uh- Yeni, okay ka lang?" WAIT. Kilala ko yung boses na yan. "Uy Yeni, ayos ka lang ba?" "Eldriss. Ah-eh ano. Ayos lang ako. Hehe. Bakit?" YEHEY! Kausap ko na naman po si Babe e ko! Hihihi! ^___________^ "Inuuntog mo kasi yung ulo mo dyan sa pader eh. May problema ka ba?" Gosh. Nakita niya yun? Kakahiya tuloy. "Ano kasi. Ano. May naglalagay kasi ng letter sa locker ko. At ang sabi eh, matagal na daw niyang alam na may gusto ako sa kanya. Eh, ikaw lang na- I mean wala naman akong nagugustuhan ngayon eh. Tapos, ganyan? Parang nakakaloko na eh." Muntikan na yun ah! Oh this goddamn mouth! -__________- "Ako hdjfjhgfdjfk.gb.kjgb.kjgskjdhfkajhfkj." "Anong sabi mo? Di ko narinig eh." Ano kaya yung sinabi niya? "Wala. Sabi ko, kung ako sayo, huwag mo na lang papansinin. Baka ginogoodtime ka lang nun. Sige Yeni, uuna na ako ha? May klase na kami eh. Bye!" And with that, he left. February 14, 20** HAPPY INDEPENDENCE DAY! LONER ang peg ko ngayon. Kasi naman si Renee, may tinatago rin palang kalandian sa katawan. Yun, jowa na niya yung ultimate super duper secret crush niya since 3rd year na si Nicko Corales. Yun talagang babaeng yun! Akala niya hindi ko malalaman yun ha? Tinatago pa eh alam na naman ng buong campus. Nga pala, si Nicko yung vocalist ng The Lees. Kaya naman pala gustong-gustong sumama ni Renee sa pag-stastalk kay Eldriss eh. Tinatanaw niya pala yung boyfriend niya! Hahaha. At dahil nga loner ako today, ibig sabihin walang-wala talaga akong kasama ngayong araw na ito. Wala na kasi akong ibang friend eh. Si Renee lang. :( "Happy Valentines Day Honey! I love you!" Buti pa sila, may lovelife. Ang sayo siguro noh? :"| Bigayan ng roses over there and kiligan over here. Haaaaaaayyyyyyyy! :( "Ahmm. Karajine, may nagpapabigay oh. *abot nung rose*" "Ah salamat.*fake smile*" Kasi naman, sa dinami-dami ng magbibigay bakit si Geiph pa? Patay na patay kasi sakin yan eh. Hindi kaya siya yung naglalagay sa locker ko? Pero imposible eh, alam naman niyang wala akong gusto sa kaya diba? Tsaka I will never ever I swear, Hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. Kasi we're COUSINS, for goodness sake! Tinitigan ko yung rose. Blue rose. Favorite ko. Wait, may nalaglag. ------------------------------------------------------------ Dear Yeni, Alam kong nacucurious ka na kung sino ako, Alam ko ring nagkakaclue ka na kung sino ako, At alam ko ring gustong-gusto mo nang malaman kung sino ang nasa likod ng mga sulat na ito. Kung gusto mo akong makilala, pumunta ka sa quadrangle mamaya. Nandun ako, hihintayin kita. Sincerely yours, BAE <3 --------------------------------------------------------------------- Hinabol ko si Geiph. Baka sakaling malaman ko kung kanino galing yung sulat. "GEIPH! GE! Wait lang!" "Oh Jin, bakit?" Itatanong ko ba? Okay, itatanong ko na. Hoooo! Kaya mo yan! "Ah-eh. Ano, kanino ba galing yung rose? I mean, sayo ba galing yun?" "Haha. Hindi noh. May nagpapabigay lang. Ikaw talaga. *pats my head* Alam ko namang hindi pwede eh. Kaya kampante na akong sa kanya ka mapupunta." Anu daw? Hindi ko siya maintindihan! Kampante na siya na sa iba ako mapupunta? Well, in the first place, hindi naman talaga kami pwede kasi nga, magpinsan kami. "Eh sinong nagpapabigay? Please naman Ge, sabihin mo na. Magpinsan naman tayo eh. Tsaka naiirita na ako dito sa letter-sender na ito! PLEEEEAAAASSSEEE?" "No. Just find out for yourself. *kindat*" That's it! I really need to meet him at nang makutusan ko na kung sino mang gumagawa nito. LET'S GET IT ON! "Lienne, anak, bakit ba kanina ka pa paikot-ikot dyan?" "Kasi Daddy, may imemeet ako mamaya." "Naks naman! May nanliligaw na sa princess ko?" "Huy Januel, umayos ka nga. Kung anu-ano yang pinagsasasabi mo sa anak mo!" "Parang di ka naman ganyan sa akin dati. *smirk*" "HALIKA NGA DITO! BABANGASAN KO YANG MUKHA MO! KAKALIMUTAN KONG NAGING TEACHER KITA SA SOCIAL STUDIES NUNG 4TH YEAR!" "I LOVE YOU MAHAL!" Haaaaayy. Buti pa sina Daddy at Mommy. Ang sweet-sweet nila kahit palagi silang nag-aasaran. At oo, naging teacher ni Mommy Lerika si Daddy Januel nung 4th year. Tamadands na si Daddy eh. So yun nga. Napadesisyunan ko nang harapin kung sino man ang gumagawa nitong mga letters. At andito na ako sa quadrangle. ANG DAMI NG TAO! May gig pala ang The Lees dito eh, kaya naman pala. "GOODEVENING COUPLES AND SA MGA SINGLES DIYAN!" Kyaaaahhhh! Si Babe E yun! Buti na lang pala dito makikipagmeet eh. May pakinabang din pala yun kung sino man yun. "HAPPY VALENTINES SA INYONG LAHAT! Buti pa kayo may lovelife eh. Ako? Wala eh." YOWN! Wala siyang lovelife. Pede na kami! ASA YENI. ASA! "Nga pala, hindi makakanta si Nicko ngayon." "HAAA?" Nagpa-gasp yung buong audience eh kasi naman, sinong kakanta diba? "Pero wag kayong mag-alala. Ako muna ang kakanta ngayon. At itong awit na ito ay para sa babaeng iniibig ko ng palihim. Pero alam kong may pag-asa ako sa kanya. May gusto na nga siya sakin eh." Para akong binagsakan ng langit at lupa. WALA NA! WALA NA! TAKEN NA ANG PUSO NI ELDRISS! WAAAAHHHHHHHH! WAAAAAHHHHH! Akala mo, hindi ko nakita Maligaya ka pag ako ay masaya Akala mo, hindi ko naisip Na kasama ako sa iyong panaginip Bawat sabihin ko alam kong nakinig ka Akala mo siguro, hindi ko nakita Akala mo, hindi ko pansin Akala mo, hindi ko alam Mahal mo nga ako kahit hindi mo man sabihin Akala mo hindi ko napansin "Para ito sa babaeng matagal ko ng minamahal at mamahalin ko pa. Matagal ko nang gustong sabihin ito sayo kaya lang natotorpe ako. Para kasing ang hirap mong lapitan at kausapin, masyado ka kasing inosente. Pero ganun pa man, mahal na mahal kita." Ang swerte naman ng babaeng yun. :'(((((( Akala mo, hindi ko narinig Tibok ng puso mo't kaba ng dibdib Akala mo, hindi ko nadama Na may kasama ako sa lungkot at saya Kapag kailangan kita, dumarating ka Akala mo siguro hindi ko nakita Akala mo hindi ko pansin Akala mo hindi ko alam Mahal mo na ako kahit hindi mo man sabihin Akala mo hindi ko napansin "Oo, alam kong may pag-asa na ako sayo. Hahaha. Alam ko kasing matagal ka ng may gusto sakin eh. Nagpapasalamat talaga ako sa kaibigan mo kasi ibinuking ka niya sakin." Tara na, pakamatay na tayo! :(((((((( Akala mo hindi ko pansin Akala mo hindi ko alam Mahal mo nga ako kait hindi mo man sabihin Akala mo hindi ko napansin Makaalis na nga dito. Pakamatay na tayo. Huhuhu. Wala na broken-hearted na naman! :(( "Oh teka, wag ka munang aalis! Hindi pa tapos yung kanta eh!" Ahh. So nandito pala yung girl. Sus, aalis na talaga ang beauty ko dito. "UY! SINABI NANG WAG KA MUNANG AALIS EH! HOY LIENNE KARAJINE CALAPINE AVILA DYAN KA LANG!" Wow. Kapangalan ko pa yung babae ha? Saklap. -________________- "HOY YENI! ANG SLOW MO TALAGA KAHIT KELAN! MAHAL KITA YENI MATAGAL NA! HUWAG MO NAMANG SAYANGIN YUNG EFFORT KO OH!" Napatigil ako sa paglalakad. Ako ba talaga yung tinatawag or napapraning lang ako. "Hoy gaga pumunta ka na sa stage oh. Pakipot ka pa dyan, di bagay sayo gal." Dali-dali akong tumakbo papuntang stage. So, mahal pala niya ako? Hihihi. Kinikilig ako. *U* "Mahal mo ako?" "Magaaksaya ba ako ng oras para dito kung di kita mahal? Kakanta ba ako sa harap ng maraming tao kung nagbibiro lang ako? Kakasabwatin ko ba si Renee kung hindi ako seryoso? Maglalagay ba ako ng letters sa locker mo kung nakikipaglokohan lang ako?" Woooaaahh. So planado pala talaga ang lahat? Imposible. Nagawa niya to? WOW! "Oh ano na Yeni, hinihintay na nila yung sagot mo?" "Bakit may tanong ka ba?" "Ang slow mo talaga! Sabi ko kung tayo na?" "Manligaw ka muna!" "Hindi na kailangan noh, alam ko namang matagal ka ng may gusto sakin eh. May pa-BABE E ka pang nalalaman. *devil smile*" And with that, he gave me the sweetest kiss I ever had. A gentle kiss on my forehead. Noon, akala ko hindi na ako magiging masaya ng ganito. Akala ko wala ng magandang mangyayari sa buhay ko. Akala ko, hindi kami magkakatuluyan ni Eldriss ko. Walang imposibleng mangyari. Malay mo sa isang AKALA matupad ang pinapangarap mo? END . . . . . . . . . . . . . .